Maximum tolerance paiiralin ng PNP kasabay ng kaliwa’t kanang kilos protesta ngayong ginugunita ang EDSA People Power

Kasunod ng inaasahang mga kilos protesta kasabay ng komemorasyon ng ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power ngayong araw.

Nangako ang Philippine National Police (PNP) na paiiralin nila ang maximum tolerance sa mga magsasagawa ng mga pagkilos.

Ayon sa PNP karapatan ninuman na maghayag ng saloobin.


Una nang sinabi ng Pambansang Pulisya na mag-de-deploy sila ng walong libong pulis sa buong bansa upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan sa mga ikakasang pagkilos.

Ilan sa mga progresibong grupo ang magsasagawa ng kilos protesta sa People Power Monument upang ipanawagan ang pagpapatalsik sa pwesto kay Vice President Sara Duterte at ang panawagang papanagutin sa umano’y kapalpakan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Deklarado ang ika-39 na EDSA People Power anniversary bilang special working holiday.

Facebook Comments