May-ari at arestadong mga chat operator ng sinalakay na tatlong cybersex den sa QC, mahaharap sa patung-patong na kaso

56

Manila, Philippines – Patung-patong  na kasong paglabag sa RA 10175 o Anti-CyberCrime law ang kakaharapin ng may-ari ng tatlong cyber sex den na sinalakay ngQCPD at Anti-Cyber Crime Group kagabi hanggang ngayong madaling-araw.
  Bukod sa 21 chat operators na naaktuhan naaresto din angmay-ari ng Kanluran Contact Solutions Incorporated na si Mark Pudoy.
  Ayon kay QCPD District Director PCSupt Guillermo Eleazarmahigit isang taon nang nag-ooperate sa ikawalong palapag ng One ExecutiveCondominium sa West Ave, Prince Jun Condominium sa Timog Ave at Ilocos SurStreet Sto Cristo Quezon City ang nabanggit na Cyber Sex den.
  Maari aniyang makulong ng hanggang anim na taon ang mgasuspek.
  Kabilang sa nasamsam ay sangkaterbang mga computer unitsna isinasailalim na sa digital forensic ng mga tauhan ng ACG sa kampo Crame.
 

Facebook Comments