May-ari ng Mighty Corporation, pinaaresto na ni Pangulong Duterte hindi dahil sa isyu ng panunuhol kundi dahil sa kasong economic sabotage

82
Ipinaaresto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang business tycoon at may-ari ng Mighty Corporation na si Alexander Wong Chu King.

Ito’y matapos makumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa dalawang bilyong pisong halaga ng sigarilyo na may pekeng tax stamps.

Ayon kay Pangulong Duterte – nahaharap si Wong Chu King sa kasong economic sabotage.

Ang paggamit din aniya ng mga pekeng tax stamps ay paglabag sa internal revenue code at maituturing na technical smuggling.

Ibinunyag din ng Pangulo na may nagtangkang manuhol sa kanya noong mayor pa siya ng Davao.

Pero sinabi Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ang kompanyang Mighty Corporation ang nasa lingkod ng tangkang panunuhol.

Facebook Comments