May-ari ng properties na napinsala sa pagsabog sa iligal na pagawaan ng paputok sa Calamba, Laguna, magsasampa ng hiwalay na kaso

42

Kinumpirma ng Calamba City Police na magsasampa ng kasong damage to property ang mga residenteng napinsala ang mga ari-arian dahil sa pagsabog sa iligal na pagawaan ng paputok sa Barangay Canlubang, Calamba City, Laguna.

Bukod ito sa kasong pag­labag sa Republic Act (RA) 7183 o An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices na isasampa ng pulisya laban sa may-ari ng pagawaan ng mga paputok.

Ayon sa Calamba City Police, bawal ang pag-operate ng nasabing negosyo sa residential area dahil mapanganib ito.


Sa naturang pagsabog, lima ang binawian ng buhay at 2 ang nasugatan.

Sa tindi ng pagkasunog ng katawan ng mga biktima, kinailangan pa itong isailalim sa autopsy examination at DNA testing para makilala.

Facebook Comments