MAY FOREVER | Destiny’s Child member na si Michelle Williams, engaged na

Amerika – Matapos ang nakakahangang performance ng Destiny’s Child sa Coachella 2018 music festival, inanunsyo ngayon ng isa sa mga member nito na si Michelle Williams na engaged na siya sa kaniyang pastor boyfriend.

Masayang ibinahagi ni Williams kung ano ang mga ginawa ng boyfriend na si Chad Johnson kung saan bumiyahe pa daw ito papunta sa kanilang bahay sa Rockford, Illinois para hingin ang blessings ng kaniyang pamilya.

Matapos nito, nag-propose si Chad kay Michelle habang nasa isang hotel sa California kasabay ng panonood nila ng video ng message ng family ni Williams.


Facebook Comments