MAY FOREVER | Mga babae sa Florida, nagpakasal sa isang puno para maisalba sa nakaambang pagbunot

66

Florida – Pinakasalan ng mga kababaihan sa Florida ang isang puno na pinutol-putol ng lungsod upang maisalba umano ito sa pagpapabunot.

Ayon kay Karen Cooper, nagalit at nadismaya umano sila ng kanyang mga kapitbahay sa Snell Family Park sa Fort Myers na plano ng Beautification Advisory Board at Public Works Department ng lungsod na tanggalin mula sa park ang giant Ficus na mahigit 100-taon na.

Dahil dito, nag-organisa si Cooper ng isang event sa naturang park kung saan siya at ang iba pang brides na nakasuot ng puti ay nagbigay ng “Yes I Do” sa naturang puno.

“If they cut down this tree, I’m going to be a widow,” saad ni Cooper.

Plano naman ni Cooper at mga kasamahan nito na ipaglaban ang kaso sa Beautification Advisory Board.

Tiniyak naman ni Ward 5 Councilman Fred Burson, ang nag-iisang city official na dumalo sa naturang seremonya na ipaglalaban niya ang naturang Ficus.

Facebook Comments