MAY HUMAHAWAK? | Mga kolurom na UV at FX, namamayagpag pa rin sa Lawton Manila

74

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng mga tsuper ng FX at UV na hindi sila kayang buwagin kahit araw-arawin umanong batikusin ng Media dahil mayroon umanong humahawak sa kanila na mga pulis at ilang opisyal ng Brgy. at maging mga opisyal ng Manila City hall.

Matatandaan na makailang beses ng sinalakay ng mga operatiba ng MMDA at Manila Traffic Parking Bureau ang mga kolurom na FX pero pagkatapos na mabuwag ay bumabalik na naman sa dating gawi ang mga tsuper sa lugar.

Una rito binatikos ng mga lehitimong tsuper ng FX at UV si Brgy. Chairwoman Ligaya Santos dahil wala umano itong ginagawa upang maayos at maalis ang mga kolurom na sasakyan sa Lawton Manila.

Tikom naman ang bibig ng mga opisyal ng Brgy. maging ang ibang mga City opisyal ng Manila City Hall sa mga napaulat na protektor di umano sa mga kolurom na UV at FX ang ilang mga tiwaling Manila City Hall Officials at pulis Manila.

Facebook Comments