MAY KINALAMAN? | 4 na tenant at security guard, iniimbistagahan kaugnay sa malaking sunog sa mall sa Russia

54

Russia – Apat na tenants ng nasunog na Kemerovo Mall sa Siberian City sa Russia ang hawak ngayon ng Russian authorities.

Plano ring imbestigahan ang security guard ng mall na umano’y nagpatay ng warning system ng habang ito ay nasusunog.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na maraming paglabag sa seguridad ang nasabing mall, pangunahin na rito ang pagkakaroon ng harang sa mga fire exit.

Nasa animnapu’t apat na ang naitalang nasawi sa nasabing sunog habang labing lima pa ang nawawala.

Facebook Comments