MAY KUNDISYON | Kris Aquino, aminadong magiging demanding sa pagkakaroon ng future girlfriend ni Bimby

75

Manila, Philippines – Aminado si Kris Aquino na magiging demanding siya sa future girlfriend ng bunsong anak niya na si Bimby. Ang pahayag ay kasunod ng instagram post niya tungkol sa nalalapit ng 11th birthday ni Bimby sa April 19. Isang netizen kasi ang nagtanong kung ready na raw ba siya na magkaroon ito ng girlfriend. Sagot ng Queen of Online World and Social Media – “yes” pero sa ilang kundisyon. Kabilang aniya rito ay dapat magustuhan niya ang ina ng babae. Matalino, masipag mag-aral, maka-Diyos ta syempre maganda ang magiging girlfriend ni Bimby.

Facebook Comments