MAY MALASAKIT | Pagbuo ng Death Squad ng Pangulo pagpapakita ng malasakit sa mga sundalo – ayon sa AFP

Manila, Philippines – May malasakit ang Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo kaya plano nitong bumuo ng Death Squad na lalaban sa mga armadong grupong kalaban ng gobyerno na ang target ay tropa ng pamahalaan.

Ito ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo.

Aniya marami sa kanilang kabaro ang nasawi matapos ang ginawang pagta traydor ng mga makakaliwang grupo kaya para sa kanila malasakit sa hanay ng mga sundalo at pulis kaya bubuo ang pangulo ng death squad.


Bukod aniya sa pagmamalasakit ay paalala rin daw ito sa kanila ng Pangulo na maging maingat sa mga ikinakasang mga operasyon.

Importante rin aniyang mas mapaangat pa kanilang kakayanan sa pagsasagawa ng intelligence operations upang madaling matukoy ang kinaroonan ng mga kalaban.

Facebook Comments