MAY TAMPUHAN? | Spokesman Panelo, itinangging may samaan ng loob sina PRRD at Roque

241

Manila, Philippines – Itinanggi ni acting Presidential Spokesman at Concurrent Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na may samaan ng loob sina Pangulong Rodrigo Duterte at Secretary Harry Roque.

Nilinaw ito ni Panelo kasunod ng pagtatalaga ni Pangulong Duterte ng bagong tagapagsalita at sa sinabi ng Pangulo na nahilo siya pabago-bagong desisyon ni Roque.

Ayon kay Panelo, wala siyang nalalaman na samaan ng loob sa pagitan ng dalawa.

Inamin naman nito na hindi niya alam ang tunay na status ni Roque sa ngayon dahil ang alam niya ay itinalaga siya ng Pangulo bilang bagong spokesman.

Wala rin siyang impormasyon kung nagbitiw na ang kalihim sa puwesto pero sinabi sa kanya nito gusto na niyang tumakbo sa pagka-senador.

Blangko pa si Panelo kung bibigyan ng Pangulo si Roque ng panibagong posisyon dahil ang huling sinabi ng Pangulo ay kakausapin pa niya ang kalihim.

Facebook Comments