Maynilad at Manila Water, dapat magpatupad ng refund kasunod ng mga ipinatupad na dagdag singil sa tubig

Nais ng grupong Bayan Muna na ibalik ng Maynilad at Manila Water sa kanilang mga kostumer ang lahat ng dagdag-singil sa tubig.

Kasunod ito ng ipatutupad na Rotational Water Service Interruption mamayang gabi ng mga Water Concessionaire dahil sa patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam.

Giit ni Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares, bakit kulang pa rin ang suplay ng tubig gayong kada taon naman ay nagtataas ang singil dito.


Maliban ditto, dapat din aniyang i-audit ng Commission on Audit ang mga Water Concessionaire para malaman kung bakit naantala ang kanilang mga proyekto.

Pagtitiyak naman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office, pag-aaralan nila ang mga panukala ng Bayan Muna.

Facebook Comments