Maynilad, nagbabala ng daily water service interruptions

20

Nagbabala ang Water Concessionaire na Maynilad ng daily water service interruptions.

Ito’y dahil sa kakulangan ng ulang bumabagsak sa Angat at Ipo Watersheds.


Sa Statement ng Maynilad, ang Water Allocation mula sa Angat ay nasa 40 Cubic meters per second.

Mababa kumpara sa normal na 48 cubic meters per second.

Ang supply ng tubig na pumapasok sa Ipo Dam at kanilang treatment facilities ay hindi sapat.

Kaya asahan na ang ilang oras na walang supply na tubig sa mga sineserbisyuhan ng Maynilad kapag nagpatuloy ang mga araw na walang ulan.

Facebook Comments

From Advertisers