Mayor Belmonte, dumipensa sa ‘shoot to kill’ sa quarantine violators

170

Dumipensa si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa bantang ‘shoot-to-kill’ laban sa mga violator ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).


Ito’y matapos umani ng batikos ang naging pahayag ng pinuno ng QC Task Force Disiplina sa kanyang Facebook post.

Ayon kay Belmonte, isang expression lamang ito at ang personal na post ni QC Task Force Disiplina Head Rannie Ludovica ay hindi sumasalamin sa mga polisiya ng lungsod.

Sinisisi naman ni Ludovica ang mga residente ng Everlasting Street sa Barangay Holy Spirit dahil sa pagkalat ng COVID-19.

Aminado ang lady mayor na mali ang ginawa ng opisyal at pinapayuhan ang netizens na huwag gawing literal ang mga pahayag nito.

Naniniwala ang alkalde na expression lamang ito dahil sa frustration na sa kabila ng limang buwan na quarantine ay patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Facebook Comments