Mayor Bernard Dy ng Cauayan City, Nag-atas sa Patuloy na Pagmonitor sa mga Presyo ng Bilihin!

130

Cauayan City, Isabela – Nag-atas si mayor Bernard Dy sa lahat ng kanyang mga kasamahan sa pamahalaang panlungsod ng Cauayan na patuloy na imonitor ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon kay mayor Dy ay mayroon na umanong taskforce na umikot upang masiguradong hindi pagsamantalahan ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga pamilihan dito sa Cauayan City.


Dagdag pa ng alkalde na sa kasalukuyan ay wala pa umanong nakakarating sa kanyang tanggapan na nagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Nanawagan pa si mayor Dy sa lahat ng Cauayeño na maging mapagmatyag sa presyo ng mga bilihin, at para naman umano sa mga negosyante ay dapat na maglagay ng tag price sa kanilang mga produkto.

Facebook Comments