Mayor Inday Sara, ‘most qualified’ na maging susunod na Pangulo – Roque

278

Naniniwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang may kakayahang panatilihin at pagbutihin pa ang mga programa at proyektong sinimulan ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Para kay Roque, most qualified si Mayor Sara na tumakbo sa pagkapangulo sa susunod na halalan.


Pinuri din ni Roque si Mayor Duterte sa kanyang matapang at may paninindigang liderato.

Inihalimbawa niya ang pagpapatupad ng alkalde ng mahigpit na quarantine measures sa kanyang lungsod.

Sa pahayag ni Pangulong Duterte kamakailan na “hindi pambabae” ang Presidential position, nilinaw ni Roque na bilang isang ama ay nag-aalala lamang siya sa kanyang anak.

Gayumpaman, nakay Mayor Sara pa rin ang desisyon kung tatakbo ito o hindi sa pangkapangulo.




Matatandaang nanguna si Mayor Duterte sa isang survey ng mga potensyal na magtutunggali sa 2022 presidential elections.

Pero nakiusap si Mayor Sara sa mga survey companies na alisin ang kanyang pangalan sa mga susunod na surveys.

Facebook Comments