Mayor Isko Moreno, binisita ang ilang dating mga residente ng Maynila sa San Jose del Monte, Bulacan

89

Binisita ni Mayor Isko Moreno ang mga residente ng San Jose Heights Relocation Site sa Brgy. Muzon, San Jose Del Monte Bulacan.

Ito’y upang alamin ang kasalukuyang kalagayan ng mga nakatira rito kung saan karamihan sa nakausap ng alkalde ay pawang mga dating residente ng lungsod ng Maynila.

Nabatid na ang ilang mga kasalukuyang naninirahan dito ay pawang na-relocate kung saan nagmula sila sa Tondo, Maynila.


Nasa higit 500 ang nakasama ni Mayor Isko bilang parte ng kaniyang pag-iikot upang malaman at pakinggan ang hinaing at kalagayan ng ating mga kababayan.

Kasabay nito, inilalatag din ni Mayor Isko ang kanyang plataporma sakaling palarin sa 2022 national election kabilang na rito ang in-city vertical housing program.

Aniya, darating ang araw na hindi na kailangan pang irelocate o itapon sa mga kalapit na probinsiya ang mga informal settler’s kung saan makaka-avail sila ng mga murang pabahay katuwang ang gobyerno.



Facebook Comments