Mayor Isko Moreno, bumisita at nakipag-ugnayan sa mga residente ng Pampanga at Parañaque City

28

Bilang bahagi ng kaniyang listening tour, binisita at nakipag-ugnayan si Manila City Mayor Isko Moreno sa mga residente ng Pampanga at Parañaque City.

Sa Mabalacat, Pampanga ay nakipag-usap at pinakinggan ni Mayor Isko ang mga hinaing ng ilan nating kababayan mula sa sektor ng transportasyon at pagtitinda.

Ayon kay Mayor Isko, nais niyang matulungan na makabangong muli ang mga ito sa hirap na nararanasan dulot ng pandemya kung saan naniniwala siya na magagawa ito sa pagpupursige ng gobyerno.


Pagbisita naman ni Mayor Isko sa Parañaque City, inihayag niya na kung sakaling palarin ay ipagpapatuloy pa rin niya ang magagandang gawain ng kasalukuyang administrasyon.

Aniya, hindi porket tapos na ang termino ng isang administrasyon ay hindi na itutuloy ng susunod na liderato ang mga maaayos na proyekto at programa na nasimulan na.

Facebook Comments