Mayor Isko Moreno, dedma sa mga natatangap na death threats

Dedma lang si Manila Mayor Isko Moreno sa mga natatanggap nitong mga banta sa kanyang buhay.

Nagsimulang makatanggap ng death threat si Moreno makaraang linisin ang Maynila sa mga illegal vendors, dalawang linggo matapos siyang maupo sa pwesto.

Sa interview ng RMN Manila kay Moreno – sinabi niya na bilang isang alkalde, normal na makatanggap ng banta sa kanyang buhay lalo na at kung ginagawa nito ang tungkulin sa bayan.


Ayon kay Moreno, itinuturing niya ang kanyang trabaho na isang occupational hazard pagdating sa pagsugpo sa mga illegal vendors at sindikatong nasa likod nito.

Determinado ang alkalde na linisin sa mga illegal vendors ang Divisoria, Recto, Ylaya, Juan Luna, sole R, Carmen Planas at marami pang kalsada sa Maynila dahil ang yumayaman lang aniya ay ang mga sindikato.

Una nang inamin ni Moreno na sinusuhulan siya ng limang milyong piso kada araw itigil lang kanyang ginagawa.

Facebook Comments