Mayor Isko Moreno, iginiit na dapat paghandaan ang bagong variant ng COVID-19

57

Iginiit ni Mayor Francisco “Isko” Moreno na habang maaga, dapat nang paghandaan ang posibleng epekto ng bagong variant ng COVID-19 na “Omicron”.

Ayon kay Mayor Isko, maaring mas malala ang Omicron kumpara sa Delta variant kaya’t ngayon pa lamang ay dapat na dagdagan ang hospital beds at mga gamot panlaban sa COVID-19.

Aniya, maiging bilisan din ang ikinakasang pagbabakuna gayundin ang pagbibigay ng booster shot.


Hinihimok din ni Mayor Isko ang lahat ng pamunuan ng hospital sa buong bansa na maghanda na agad sa Omicron variant na sinasabing mas nakakahawa sa Delta variant.

Pinapurihan naman ni Mayor Isko ang Duterte administration dahil sa isinagawa nilang three-day National Vaccination Drive.

Facebook Comments