Mayor Isko Moreno, muling iginiit na ang tunay na kalaban ay ang COVID-19 at hindi ang mga nakakaharap sa politika

455

Muling iginiit ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno na ang tunay na kalaban ng bansa ay ang COVID-19 at hindi ang mga nakakasabayan sa politika.

Ito ang naging pahayag ni Mayor Isko sa ginanap na convention ng One Batangas at IM Pilipinas Batangas sa Claro M. Recto event center sa Lipa City.

Ayon kay Mayor Isko, wala siyang ibang hinahangad kundi ang maibigay ang nararapat na serbisyo sa bawat Pilipino.


Aniya, wala na kasing panahon pa para makipagtalo sa iba lalo na ngayong kailangan na kailangan ng tulong ng publiko sa gitna ng nararanasang pandemya dulot ng COVID-19.

Iginiit ng alkalde na dapat unahin ang trabaho para sa bayan at hindi ang pansariling interes lamang.

Naniniwala naman si Sen. Ralph Recto na sapat ang kakayahan at karanasan ni Mayor Isko para maging pinuno ng bansa.



Dagdag pa ng senador, makikita naman kung anong klaseng pamumuno meron ang alkalde sa nakalipas na taon lalo na sa gitna ng nararansang COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments