Mayor Isko Moreno, nag-negatibo sa ikalawang COVID-19 test

236

Masayang ibinalita ni Manila Mayor Isko Moreno ang resulta ng kanyang ikalawang Coronavirus Disease o COVID-19 test.

Ayon kay Mayor Isko, nag-negatibo ang naturang test at malaki ang iginaan ng kanyang dibdbib dahil dito.


Paliwanag pa ni Yorme, nasa ika-pitong araw na siya ng kanyang second self quarantine at kahit nag-negatibo na siya ay patuloy pa rin niyang oobserbahan ang quarantine protocol.

Matatandaan na ang ikalawang quarantine ni Moreno ay bunsod ng exposure nito kay Metro Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia sa isang pagpupulong.

Habang ang unang beses naman ay noong nanggaling ito sa Europa matapos umattend ng ilang developmental meetings.

Bagama’t naka-quarantine, patuloy pa din naka-monitor si Yorme sa ginagawang hakbang ng lokal na pamahalaan sa pamamahagi ng food packs gayundin ang ipinapatupad na enhanced community quarantine.




Facebook Comments