Mayor Isko Moreno, nagbabala sa mga barangay officials sa Maynila na nagkakanlong ng mga criminal

1612

Nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno laban sa mga barangay officials na nagkakanlong ng wanted persons.

Ayon kay Moreno, taliwas ito sa kaniyang polisiya kung saan nag-aalok siya ng pabuya sa makakapagbigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga wanted sa batas.

Ang babala rin ni Moreno ay matapos na matuklasan nagtatago sa residential area ang mga suspek sa pamamaril sa COVID marshal ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Nabatid pa na ang mga suspek ay kamag-anak ng ilang barangay officials sa lugar na kanilang pinagtataguan.

Sinasabing ang biktima ay hindi naman naka-away ng mga suspek at lumalabas na napagtripan lamang ito.

Facebook Comments