Mayor Isko Moreno, nagbabala sa mga magpaparada ng sasakyan sa paligid ng Quiapo Church

65

Kaugnay sa pista ng Itim na Nazareno, nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno sa mga magpaparada ng mga sasakyan sa paligid ng Quiapo Church na kanila itong kukumpiskahin.

Ayon kay Moreno, sakop ng kaniyang kautusan ang lahat ng uri ng mga sasakyan na naka-park sa Plaza Miranda, Carriedo, Quezon at Avenida.


Sa ngayon, nag-deploy na sila ng mga ambulansya sa paligid ng simbahan.

Kaugnay nito, kanselado ngayong araw at bukas, araw ng Sabado, ang klase sa lahat ng levels sa Maynila, gayundin sa Manila City Hall.

Muli ring nanawagan si Moreno sa mga deboto na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan at taimtim na manalangin sa halip na magtungo sa Quiapo Church para na rin sa kaligtasan ng lahat , lalo na ngayong 2,900 pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila.

Facebook Comments