Mayor Isko Moreno, nagbabala sa mga pulitikong maglalagay ng tarpaulins sa Maynila

4137

Nagbabala si Manila Mayor Isko Moreno sa mga pulitiko sa lungsod na hindi siya papayag sa anumang paglalagay ng political materials.

Ayon kay Moreno, nagsisimula pa lamang silang maglinis sa Maynila matapos ang iniwang dumi ng huling administrasyon.


Hindi rin aniya kailangan ng pulitiko na ilagay sa tarpaulin ang kanyang mga proyekto dahil alam naman ng tao ang mga ginagawa ng isang opisyal.

Kasabay nito, inatasan rin ni Moreno si Manila City Engineer Armand Andres na alisin ang posters, tarpaulins o mga materyales na naglalaman ng promotion ng isang pulitiko o anumang political issues.

Facebook Comments