Mayor Joy Belmonte, handang magpabakuna ng Sinovac

18

Handang magpabakuna ng Sinovac Vaccine si Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Ani Belmonte, mangunguna siyang magpabakuna upang mawala ang pag-aalinlangan ng mga taga-Quezon City na magpaturok ng COVID-19 vaccine.


Gayunman, hindi muna sa ngayon dahil kailangang unahin muna ang health workers.

Ikinalugod ni Belmonte ang sabay-sabay na rollout ng bakuna sa apat na ospital dito sa lungsod.

Hinikayat ni Belmonte ang mga medical frontliners na magpabakuna na upang maibsan ang takot at maging tuloy-tuloy ang paghahatid ng serbisyong medikal.

Aniya, dahil limitado lang ang vaccine hindi dapat ipagkait ang kahit isang patak ng vaccine sa health workers.



Facebook Comments