Mayor Moreno, pinalinis at pinatanggal ang mga tindahan sa Lagusnilad underpass

105

Manila, Philippines – Matapos isagawa ni Manila City Mayor Isko Moreno ang clean-up drive sa Divisoria, Bonifacio Shrine, Quiapo at iba pang lugar sa Maynila.

Ipinalinis at ipinatanggal naman niya ang mga tindahan sa Lagusnilad underpass na nasa tapat ng Manila City Hall.


Ayon kay Moreno, tumambad sa kanya ang mga dumi at kalat ng mga basura.

Matapos nilang inspeksiyunin ang underpass na nagkokonekta sa city hall at Intramuros.

Sa Facebook live ng alkalde, makikitang ipinaalis niya ang mga negosyanteng walang mga business permit maging ang mga nakaharang na stalls sa nasabing lugar.

Sinabi pa ni Moreno na ang mga nagnenegosyo sa underpass ay hindi rin nagbabayad ng buwis sa city hall kaya ipinaalis ang mga ito.

Facebook Comments

From Advertisers