Mayor ng Cebu City, nanghinayang sa pagkawala ni Secretary Mike Sueno sa DILG

60

Cebu, Philippines – Ikinalungkot ni Cebu City Mayor Tomas Osmeña ang pagkakasibak ni Interior Secretary Ismael Sueno sa Gabinite ng Pangulo.

Hindi naniniwala si Osmeña sa mga paratang laban kay Sueno at inilarawan pa niya ito na isang “modest leader” kagaya nina dating Maribojoc Mayor Leoncio Evasco Jr.

Matagal nang kilala ni Osmeña si Sueno simula pa noong tumakbo ito sa pagka-Bise President at running mate ng kaniyang pinsan na si dating Cebu Governor Lito Osmeña nang ito`y tumakbo bilang Presidente.

Umaasa naman si Mayor Osmeña na hindi totoong itatalaga nito ng Pangulo si dating senador Bongbong Marcos bilang kapalit ni Sueno sa DILG.
Nation

Facebook Comments