Mayor ng Wuhan, China, nababahalang lolobo pa ang kaso ng novel coronavirus

112

Nababahala ang mayor ng Wuhan, China na lolobo na ang kaso ng novel coronavirus sa kanilang lungsod.

Ayon kay Mayor Zhou Xianwang – mula sa higit 2,000 kaso ay inaasahang madadagdagan pa ito ng 1,000 kaso.


Pinamamadali na niya ang pagtatayo ng specialized hospital para sa mga pasyenteng tinamaan ng virus.

Nagpasalamat naman siya sa mga private donations sa pamimigay ng protective suits, masks, at glasses.

Tiniyak din ng alkalde na nananatiling sapat at matatag ang presyo ng pagkain.

Ang Wuhan City, ay mayroong 11 million population na kasalukuyang naka-lockdown.

Facebook Comments