Mayor Nieto wala pang komento sa reklamo ng pamilya Cruz, ang nurse na nasawi sa COVID-19 dahil umano sa kapabayaan ng Cainta, Rizal Municipal Hospital

89

Inihayag ni Cainta, Rizal Mayor Keith Nieto na magbibigay lamang siya ng komento kapag natanggap na niya ang kopya ng pormal na reklamo laban kay Municipal Hospital Administrator Dr. Antonio Jayson Sierra.

Una rito nagsampa ng kaso sa tanggapan ng Ombudsman si Joie Cruz, anak ni Ma. Theresa Cruz, ang nurse na nasawi dahil sa COVID-19 laban kay Dr. Sierra ng kasong Gross Neglect of Duty and Conduct Unbecoming of a Public Officer.

Ayon kay Jouie, kasama ang kanyang lawyer mula sa Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services, hindi makatarungan ang hazard pay na natanggap ng kaniyang ina na ₱7,000 sa halip na ₱30,000

Paliwanag pa ni Joie, ang kanyang ina pa umano ang bumibili ng kaniyang sinusuot na Personal Protective Equipment (PPE) sa halip na ang hospital na kaniyang pinapasukan.

Facebook Comments