Mayor Sara Duterte, hindi makakadalo sa SONA ni PRRD

Hindi makakadalo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa ika-apat na State of Nation Address (SONA) ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.

Ayon kay Mayor Duterte – nasa special medical leave siya na magtatagal ng 60 araw.

Sabi niya, ito ay isang “gyne condition.”


Pero sinabi ng alkalde ay dadalo ang kanyang mga kapatid na sina Davao Congressman Paolo at Davao City Vice Mayor Baste sa event.

Facebook Comments