Mayor Sara Duterte, iginiit na hindi manghihimasok ang ama sa 2019 elections

31

Ipinagtanggol ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte kay Communist Party of the Philippines (CPP) Leader Jose Maria Sison.

Ito ay matapos ihayag ni Sison na dadayain ng Pangulo ang 2019 midterm elections.


Ayon kay Mayor Sara – hindi ito gagawin ng kanyang ama.

Aniya, palaging sinasabi sa kanila ng kanilang tatay Digong na walang dangal at dignidad ang pagkapanalo kung galing naman sa pandaraya.

Iginiit pa ng alkalde na ito ang prinsipyo na pinaghahawakan ng kanyang ama kahit ngayong presidente na siya.

Facebook Comments

From Advertisers