Mayor Sara Duterte, nagtungong Singapore

409

Lumipad patungong Singapore ang Presidential daughter, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio nitong Martes ng hapon mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Batay sa source, dumating ang alkalde sa NAIA Terminal 2 sa pamamagitan ng isang Philippine Airlines flight mula Davao pasado alas-9:00 ng umaga.


Alas-2:15 ng hapon nang sumakay siya ng Singapore-bound flight.

May kasamang bata ang alkalde, kanyang assistant at isang bodyguard mula sa Presidential Security Group (PSG).

Hindi pa malinaw kung bakit nagtungo sa Singapore si Mayor Duterte, maging ang kanyang information officer ay hindi alam ang pag-alis niya sa Pilipinas.

Facebook Comments