Mayor Sara, pamilya ang gustong tutukan – Pangulong Duterte

62

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas gustong tutukan ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kaniyang pamilya sa halip na pamunuan ang bansa.

Ito ang pahayag ng Pangulo sa harap ng mga panawagang tumakbo si Mayor Sara sa pagkapangulo sa 2022 elections.


Muling nanindigan si Pangulong Duterte na hindi tatakbo ang kanyang anak sa nasabing posisyon.

Aniya, may tatlong anak ang alkalde na kailangan niyang alagaan.

Sinabi sa kanya ni Mayor Sara na magiging presidente siya kung ito ay gugustuhin ng Diyos.

Dagdag pa ni Pangulo, iniisip din ng kanyang anak ang mga bagay na hindi na niya maaaring gawin pagkatapos ng kanyang termino sakaling tumakbo at manalo siya sa pagkapangulo.



Muli ring sinabi ng Pangulo na ayaw niya para sa kay Mayor Sara na tumakbo sa presidential post dahil sa mga posibleng pambabatikos na posibleng matanggap niya.


Facebook Comments