Mayorya ng COVID-19 patients na nasa ICU ng mga ospital, hindi pa bakunado kontra COVID-19 ayon sa DOH

272

Mayorya sa mga kasalukuyang naka-admit sa Intensive Care Units sa mga ospital sa Metro Manila ang hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Ayon sa Department of Health, sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nao-ospital ay halos 85 percent sa mga ito ang unvaccinated na nangangailangan ng mechanical ventilator.

Kasunod nito, muling nanawagan sa publiko ang DOH na magpabakuna na lalo na’t mayroon naman tayo ngayong sapat na supply ng COVID-19 vaccines.


Ipinaalala rin ng DOH ang kahalagahan ng testing at isolating kapag nagsimula nang makaranas ang isang indibidwal ng sintomas ng COVID-19.

Facebook Comments