MEAT PROCESSING FACILITY SA BACNOTAN, LA UNION, ININSPEKSYON

Ininspeksyon ng Department of Science and Technology ang Meat Processing Facility sa pampublikong pamilihan ng Bacnotan, La Union.

Ang aktibidad ay bahagi ng technical assessment ng tanggapan upang matiyak na sumusunod sa health protocols at sanitasyon bago ang nakatakdang simula ng operasyon ng pasilidad.

Layunin naman na maisulong ang modernisasyon sa mga pasilidad sa bayan upang maitaguyod ang mas de-kalidad na meat processing.

Tiniyak ng tanggapan na kumpleto na ang kaukulang dokumento at sertipikasyon bago ang pormal na pagbubukas ng pasilidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments