Media coverage, ipagbabawal sa pagsisimula ng pagbabakuna sa mga menor de edad bukas

72

Nag-abiso ang Department of Health (DOH) na bawal ang media coverage sa pagsisimula bukas, October 15 ng unang phase ng pagbabakuna para sa mga batang nasa edad 12-17 taong gulang na may comorbidities o “Pediatric A3.”

Ito ay para na rin sa privacy ng mga menor de edad na babakunahan.


Bukod dito, bahagi rin ito ng pag-iingat ng DOH para maiiwas sila sa exposure sa maraming tao lalo na’t sila ay may comorbidities.

Isasagawa ang pagbabakuna sa Pediatric A3 sa walong napiling ospital sa Metro Manila.

Facebook Comments