Iginiit ng isang professor sa Isang unibersidad sa Dagupan City na kinakailangan paiigtingin ang kaalaman ng publiko sa media literacy upang maiwasang mabiktima ng false information.
Ayon kay Mrs. Eden Tamonan, AB Communication Adviser at propesor sa Universidad de Dagupan, dapat lamang umano na malinang pa ang kakayahan ng isang tao na matukoy kung ano ang totoong balita at peke lalo na sa ilalim ng mga social media platforms kung saan laganap ang pagpapakalat ng maling impormasyon.
Mainam rin na ang mga kabataan ay may sapat na kakayahan na makapagbigay din ng tulong sa kapwa internet users na makakuha ng tamang impormasyon mula sa mga ginagamit na social media platforms.
Patuloy din umano ang kanilang pagsulong sa pagpapalaganap ng media literacy sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga aktibidad tulas ng mga seminar upang makapagbigay ng kaalaman sa nakararami. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨