Medical bulletin hinggil sa kalusugan ng Presidente, hindi na kailangan

81

Walang nakikitang pangangailangan si Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque para maglabas ng medical bulletin hinggil sa lagay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Roque, abogado ang Pangulo kung kaya’t alam nito ang nakasaad sa Konstitusyon.


Wala rin namang itinago sa publiko si Pangulong Duterte at noong una pa man ay inamin na nito na mayroon siyang myasthenia gravis, Buerger’s disease, acid reflux, Barrett’s esophagus at spinal issues.

Naungkat ang usapin matapos ihayag ng Pangulo sa kanyang public address kahapon na pinayuhan siya ng kanyang doktor noon na iwasan na ang pag-iinom dahil malapit na sa stage 1 cancer ang kaniyang Barrett’s esophagus.

Pero ayon kay Roque, matagal nang huminto sa pag-inom ang Pangulo, wala itong cancer, at fit and healthy para magtrabaho.

Pasaring pa nito sa gustong magkasakit ang Pangulo, sorry na lang dahil healthy ang Presidente at regular itong magbibigay ng ulat sa bayan.




Facebook Comments