Medical frontliners na nagpositibo sa COVID-19, halos 19K na

37

Umabot na sa 18,940 ang kabuuang bilang ng medical frontliners na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DOH), sa bilang na ito, 18,729 na ang nakarekober.


114 naman ang aktibong kaso kung saan 62 ang mild, 21 ang asymptomatic, 8 ang nasa moderate condition, 15 ang severe at 8 naman ang kritikal.

Umabot naman na sa 97 na medical frontliners ang nasawi dahil sa COVID-19.

Facebook Comments