Medical records nina PhilHealth Chief Morales at EVP De Jesus, hindi dapat kwestiyunin

431

Hindi dapat kwestiyunin ang medical condition nina PhilHealth President Ricardo Morales at Executive Vice President Arnel De Jesus.


Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson matapos na magsumite ng medical certificate ang dalawang opisyal ilang araw bago ang muling pagdinig ng Senado hinggil sa umano’y iregularidad sa ahensya.

Ayon kay Lacson, dapat na irespeto ang privacy nina Morales at De Jesus at ang panahon nilang makapagpagamot, magpagaling at magpahinga.

Aniya, kung sila nga na mga senador ay sobra din ang pagod matapos ang ilang oras na pagdinig noong nakaraang linggo, lalong stressful aniya ito para kina Morales.

Gayunman, giit ni Lacson, kawalan na ng PhilHealth kung hindi nila masasagot ang mga bagong sasabihin ng mga resource person sa Martes.

May mga bago rin aniyang dokumento na ipiprisinta sa pagdinig.

Facebook Comments