Mega job fair, isasagawa ng Makati City gov’t ngayong araw!

38

Naghahanap ka ba ng trabaho ka-radyoman?

Pumunta na sa mega job fair na handog ng pamahalaang lungsod ng Makati sa pamamagitan ng kanilang Public Employment Services Office (PESO) ngayong araw.


Katuwang ang DZXL 558 – RMN Manila bilang official radio partner gaganapin ito sa 2nd level ng Ayala Malls Circuit Activity Center, mamayang alas-diyes ng umaga.

Aabot sa 42 kumpanya ang inimbitahang makiisa sa aktibidad.

Gaya ng mga employers, may booth din ang DZXL Radyo Trabaho na bukas para sa mga kababayan na nangangailangan ng tulong partikular na sa usapin ng trabaho.

Dagdag dito, kasama rin maghahatid ng serbisyo ang government agency helpdesk ng Pag-IBIG at PhilHealth.

Bukas ang job fair sa lahat – taga-Makati man o hindi

Huwag lamang kalimutang magdala ng ballpen at maraming kopya ng inyong updated resume o bio-data.

Facebook Comments

From Advertisers