Mega Job Fair ng Quezon City PESO, aarangkada na ngayong araw

67

Aarangkada na ngayong araw ang Mega Job Fair na handog ng Quezon City Public Employment Service Office (PESO), katuwang ang Radyo Trabaho program ng DZXL 558 RMN Manila.

Sakto alas-10:00 ng umaga magbubukas ang job fair na tatagal hanggang alas-5:00 ng hapon sa activity center ng Trinoma Mall sa Quezon City.


Bukod sa Quezon City, isa rin job fair ang ikakasa ng lungsod naman ng Valenzuela sa araw naman ng Biyernes, July 12.

Ito ay kasabay ng ika-150th birth anniversary ni Dr. Pio Valenzuela.

Ang Local and Overseas Mega Job Fair ng Valenzuela City ay gaganapin sa Valenzuela City Astrodome bandang alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Ang dalawang Mega Job Fair ay kapwa iko-cover ng DZXL Radyo Trabaho bilang kanilang official radio partner.

Maari din ninyong bisitahin ang booth ng Radyo Trabaho at makilala ang ilan sa team ng DZXL Radyo Trabaho, maging ang mga programang handog ng DZXL 558 RMN Manila.

Facebook Comments

From Advertisers