Mega Star Sharon Cuneta, proud sa pagiging K-Pop fan

33

Proud sa pagiging SHINee fan ang 54-year-old na si Mega Star Sharon Cuneta matapos niyang ipakita sa publiko ang ilan sakaniyang mga collection ng SHINee memorabilia sa pamamamagitan ng kaniyang YouTube vlog.

Say ng Mega Star, hindi niya ikahihiya ang pagkakaroon ng idolo dahil sila umano ang nakakatulong para mapawi ang kaniyang lungkot.


Kabilang sa kaniyang mga koleksiyon ay mga t-shirts, posters, mugs at magazine na kaniyang ipinagmalaki dahil suportado naman ito ng kaniyang mga anak at asawa.

Facebook Comments