Mekaniko, patay matapos barilin sa labas ng kanyang bahay

78

General Santos, Philippines – Patay ang isang mekaniko matapos barilin ng isang hindi pa nakilalang suspek sakay na isang sasakyang walang plate number alas 9 ng gabi ng nakaraang araw.

Ang biktima ang nakilalang si Christian Alferez, 31 taong gulang at residente ng Purok, 20 barangay fatima syudad ng Heneral Santos.


Sa imbestigasyon ng kapulisan sa Police Station number 7 ng gensan, binaril ang biktima sa harap mismo ng kanyang bahay ng di pa nakilalang suspek.

Ayon kay Police Chief Inspector Nestor Maderse, ang hepe ng police station 7 ng Gensan na nagtamo ng tama ng baril sa dibdib ang biktima at agad niya itong ikinamatay.

Dagdag pa nito posibleng galit na galit ang suspek dahil sinundan talaga ito sa kanilang pamamahay at binaril-patay.

Isang malalim na imbestigasyon ang isinasagawa ng kapulisan sa ikalulutas ng kaso.
DZXL558,*Bryan Onyate*




Facebook Comments