Melbourne, isinailalim sa anim na linggong lockdown matapos makapagtala ng halos 200 kaso ng COVID-19 sa loob ng 24 oras

629

Isinailalim na sa anim (6) na linggong lockdown ang Melbourne, Australia makaraang tumaas ang panibagong kaso ng COVID-19.


Ayon sa ulat, umabot sa 191 new cases ang naitala ng Melbourne sa loob lamang ng isang araw.

Nabatid na epektibo ang nasabing lockdown alas-dose ng madaling araw bukas, July 8, 2020.

Batay sa datos ng John Hopkins University, umabot na sa 8,755 COVID-19 cases ang naitala ng Australia kung saan 106 ang namatay habang 7,455 naman ang recoveries.

Facebook Comments