MEMORANDUM | Oral argument sa quo warranto petition laban kay CJ Sereno, tinapos na

Manila, Philippines – Tinapos na ng Supreme Court ang oral argument kaugnay sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Dito ay inatasan ni acting Chief Justice Antonio Carpio sina Sereno at Calida na magsumite ng memorandum at iba pang mga kinakailangang mga dokumento sa loob ng sampung araw.

Matapos ito ayon kay Carpio ay submitted for resolution na ang petisyon.


Lalamanin ng memorandum ang summary ng mga argumento ng magkabilang kampo at iba pang mga karagdagang mga ‘claims’ para palakasin ang kanilang mga posisyon.

Facebook Comments