Memorandum sa pagpapalabas ng safe conduct passes para sa amnesty applicants, lalagdaan ni PBBM ngayong araw

Biyaheng Mindanao si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw para sa iba’t ibang aktibidad.

Una sa aktibidad ng Pangulo ay ang paglagda ng memorandum order na nagbibigay-kapangyarihan sa National Amnesty Commission (NAC) na maglabas ng safe conduct passes para sa mga aplikante ng amnesty, na gaganapin sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao.

Ang NAC ang tumatanggap at nagpoproseso ng aplikasyon ng mga rebeldeng nais magbalik-loob sa pamahalaan, at tumutukoy kung eligible ang mga ito para sa amnestiya.

Para sa maayos at mabilis na pagproseso ng amnesty applications, hiniling ng NAC sa Pangulo na makapag-isyu sila ng Safe Conduct Pass sa ilalim ng implementasyon ng amnesty program.

Matapos nito ay magkakaroon ng Talk to Troops ang Pangulo sa 6th Infantry Division sa Camp Brigadier General Gonzalo H. Siongco.

Habang mamayang hapon naman dadalo ang Pangalo sa paglulunsad ng Agri-PUHUNAN at Pantawid Program (APPP) sa Mindanao.

Ang aktibidad ay dadaluhan ng mga magsasakang benepisyaryo mula sa mga lalawigan ng Sarangani, Cotabato, South Cotabato at Sultan Kudarat.

Facebook Comments