Memorial statue ng hero dog na si Kabang, dumating na sa Zamboanga

52

Dumating na sa Zamboanga City ang memorial statue ng hero dog na si Kabang.

Si Kabang ay sumikat noong 2011 matapos nitong iligtas ang dalawang batang babae mula sa motorsiklong mabilis ang pagpapatakbo na nagresulta ng pagkasira ng mukha nito.


Kinilala ang dalawang batang babae na anak ng kaniyang amo at isa pang pinsan nito.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Zamboanga, ilalagay ang rebulto ni Kabang sa Barangay Pasonanca sa tabi ni St. Francis of Assisi na siyang santo para sa mga hayop at beterinaryo.

Naghihintay naman ng go signal ang mga in-charge sa rebulto mula sa lokal na pamahalaan upang maumpisahan na ang paglalagay ng statue.

Namatay si Kabang nitong May 17 na una nang tinulungan ng New York-based nurse na si Karen Kenngott na gumawa pa ng online fundraising drive para sa pagpapagamot nito.



Facebook Comments