Memorial wall, itatayo para sa kabayanihan ng healthcare workers – Galvez

39

Balak ng pamahalaan na magtayo ng memorial wall para bigyang pugay ang kabayanihan ng mga healthcare workers ngayong COVID-19 pandemic.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nakikipag-coordinate na siya kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at iba pang stakeholders para planuhin ang disensyo at lokasyon ng memorial.


Matatandaang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Independence Day Speech sa Malolos Bulacan noong June 12, na dapat magkaroon ng wall of heroes sa Libingan ng mga Bayani.

Ang lahat ng mga doktor at nurses na namatay habang nakikipaglaban sa pandemya ay iuukit ang pangalan sa nasabing memorial wall.

Facebook Comments